Isa sa mga pangunahing proyekto ng ABS-CBN Sports+Action ngayong taon ay ang pag-ikot sa iba't ibang lugar sa bansa upang organisahin ang baranggay sports clinic at motivational talks para sa kabataang Pilipino. Layunin nilang ibahagi na ang sports ay isang paraan ng pamumuhay at makakatulong sa kanilang karakter na magtagumpay sa mga hamon ng buhay. Ngayong pasko, ang kabataan sa Dagohoy, Barangay UP Campus ang siyang nagpakita ng kanilang mga kakahayaan kasama ang champion coach na si Koy Banal at ang kanyang koponan ng mga coaches mula Ignite Athletics. Napasaya rin ng lubos ang mga batang nakakuha ng mga bagong basketball, para matiyak ang lagi nilang pagsasanay sa larong ito. Tunay ngang pinatunayan ng Barangay UP Campus at ABS-CBN Sports+Action, na Isang Pamilya Tayo Ngayong Pasko! Subscribe to the ABS-CBN Entertainment channel! - http://bit.ly/ABSCBNOnline Visit our official website! http://entertainment.abs-cbn.com http://www.push.com.ph Facebook: http://www.facebook.c... ( more) |
No comments:
Post a Comment